I'm bored. My brain's on hibernate mode and I feel so...useless, for lack of a better word. I've been wanting to write a nosebleed-inducing entry but I just can't find um, inspiration. I'd settle for a decent entry but even that seems to be buried deep within the trenches of my mind without plans of coming to the surface. I hate that I'm unproductive and I hate how messy my room is right now. I hate Purefoods Cheesedog because it sucks and I hate my pink Chucks because I hate it. I hate. Haaaaaate!!!! I hate my sched just because, and then I hate it some more because it's my last sem *fingers crossed* and I shouldn't be hating it but I do. I hate my Perspectives prof because I don't want to speak in English when I don't have to, and because I'm in my effing country and studying in the effing state university and I want to be able to speak my own language. I hate that I'm bored and I hate that I'm writing another senseless entry that's so incoherent and connected only by the phrase I hate. Gaaahh. I hate me.
Now I'm depressed. :s
Saturday, June 16, 2007
Friday, June 15, 2007
Death to the Supermodels
*insert kick-ass music here*
This June, you better be prepared...
proudly presents

Image made by Baboysai and may only be reproduced upon obtaining the
Goddess Seal of Approval.
sinulat ni
LeNi
nung
7:29:00 PM
0
nagbasa
tungkol sa arkiforum
Tuesday, June 12, 2007
Kahit pa sasabihin ng iba na hindi pa naman tayo ganap na malaya dahil nananatili ang sistemang mala-pyudal at mala-kolonyal, at tayo ay napapailalim pa rin sa imperyalismo ng mga Amerikano at mayroong pasistang pamamalakad ang gobyerno, at kahit pa sanhi pa rin ng debate ang tunay ng petsa ng kalayaan ng bansa...
HAPPY INDEPENDENCE DAY!!!
Yahu.
Hehe. Ayan ang mga salitang natutunan ko sa pag-aaral ng Panitikang Pilipino at Lipunan at Marxismo at Sining ngayong tag-init. Yahu. :p
Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging malaya?
Pag di na ko inaantok, magsusulat ako ng matino. Pramis.
sinulat ni
LeNi
nung
10:09:00 PM
2
nagbasa
tungkol sa acads, politics, proud pinoy
Sunday, June 10, 2007
Spartaaaans Attaaaaack!!!
presents
TRANSFORMERS!!
*woot-woot*
From a humble and somewhat brokeback beginning...
^Mike and Kim, semi-normal day hehe :D(brokeback moments)
^Mike, Hiyas ng Arki 2006
^Jon, the heartthrob (hee) on a normal day.
They transformed into....
Awhooo-awhooo!!
With the special participation of:
^Foom, as (gay) Xerxes
Waaaah. Ang galing ng AF. haha. Shameless, I know. :p
sinulat ni
LeNi
nung
9:18:00 PM
4
nagbasa
Wednesday, June 06, 2007
I.Hate.Her.
As in I seriously, deeply, strongly hold a profound hatred for her.
But that's fine, I guess. I can feel she doesn't like me much either. Quits-quits lang siguro. I just hate that she's reaping the rewards of my hard work. Grrr.
Wala laaang.
sinulat ni
LeNi
nung
8:55:00 PM
0
nagbasa
untitled
Warning: The following post is pointless and a complete waste of time. Seriously. Di ko maibabalik ang oras na masasayang sa buhay niyo kaya. Yun lang. Bahala ka. Don't say I didn't warn you.
Ako. Ako ay boring. Gusto ko i-try maging hindi boring pero hindi ko alam kung paano maging hindi boring. Tsaka hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng hindi boring. Pag nagbabasa ko ng blog ng ibang tao na hindi ko kilala, parang naa-amaze ako kasi parang andaming nangyayari sa buhay nila tapos gusto ko na din magblog except wala akong ma-blog since wala naman nangyayari sa buhay ko kaya yung nailalagay ko sa blog ko ay mga boring na bagay kasi nga boring ako. Kagaya na lang ng post na to, napaka-senseless at boring pero hindi ko mapigil ilagay kasi gusto ko talaga magsulat. Yun nga lang, hindi lahat ng gusto mo eh nakukuha mo, hindi ko nakuha ang talent sa pagsusulat. Tapos iniisip ko, ano nga bang talent ko? Pero parang wala akong maisip. Kung wala akong maisip, siguro nga wala talaga. Haay.
Kahapon nagbasa ako ng isang artikel sa Kule tapos nainis ako. Si Dax din nainis sa isang artikel pero hindi yun yung kinakaiinisan ko. Nainis ako dun sa artikel na hindi daw nya mamimiss ang UP pag graduate nya. Eh di wag, as if naman mamimiss sya ng UP. Wala lang. Ang weird ko talaga. Apektado naman ako masyado. So aside from the fact na ako ay boring, problema ko din sa buhay ang pagiging masyadong apektado. Example, nung Sunday ng umaga nag-breakfast kami sa Jollibee tapos dun sa kabilang table meron iniinterbyu yung manager. Tapos nakita ko na kinakabahan sya kasi obvious naman so parang iniisip ko talaga na sana matanggap sya para happy. Tapos natanggap siya, tapos natuwa ako. Hindi ko man lang sya kilala pero na-happy ako na may trabaho na sya.
Dati sabi ko, gusto ko mag-boxing. Wala lang. For fun. Tsaka health reasons din. Mukha naman syang masaya. Gusto ko kasi maging masaya. At healthy. Atsaka para pag may sinuntok akong tao, maramdaman niya talaga na sinuntok ko siya. So ayun, gusto ko nga mag-boxing, sabi ni Maebs, sige, okay yun, helps with anger management issues. Um... Huwaat? Anger management issues? Meron ba ko nun? Apparently, meron. Kasi kung may nagsabi sayo na ganun, malamang nga ganun yun. Pero, hindi natuloy yung boxing. Si Anj kasi dapat ang kasama ko, eh nagpunta siyang Amerika. Kaya ngayon, naubos ko na sa mga bagay na hindi ko na matandaan yung pang- gym/boxing ko na pera na hiningi sa tatay ko, at syempre, hindi pa natanggal yung aking mga isyu with anger management.
Kaya, parati pa din akong galit. Pero hindi naman talaga ko galit. Hindi lang ako marunong magpakita ng affection. Kasi... ewan ko. Di ba kung alam ko, eh di nagawan ko na ng paraan. So ayun. May nagsabi sakin dati na meron daw akong intimacy issues. Sabi ko sa kanya, wala no, ayoko lang maging intimate kung sayo. Madami pala kong issues. Defensive din ako. Nung college ako, 3 tao ang nagsabi sakin na masyado akong defensive. Eh anong gagawin ko? Ganun talaga yun. Kaya nga kelangan ko magpunta sa isang psychiatrist. Which reminds me, dati may nagtext sakin from Educ ata or Psych. Di ko matandaa. Eto yung sem na naisip ko lang bigla na lusubin si MLV at sabihin na ayoko na mag-arki. Syempre nagulat sya, kasi okay naman ang grades ko nung sem na yun. Pero ibang kuwento yun. So ayun nga, may nagtext sakin, may study daw silang ginagawa sa mga taong non-major sa UP at kung gusto ko daw magparticipate. Eh uto-uto naman talaga ko at hindi ko masabi n a"NO!" kaya sabi ko, ok. Ayun, nagtest ako ng kung ano-ano. Pina-drawing pa ng mga perception ko sa sarili tapos sabi sasabihin sakin yung results, pero wala naman nagsabi. Bitch.
Tapos nung naisip ko na ayoko na mag-arki, nagpunta kong Guidance Councelor para sa Arki sa Vinzons at pinagsagot din niya ko ng napakadaming questionnaire para lang sabihin sakin pagkatapos ng lahat ng tests na ako ay nababagay sa... *drumroll* ARKI!!! Yehey! So ayun, dahil pang-arki daw talaga ko, nagshift ako pagkatapos nun. Bagay din daw ako sa Social something, at sa Medical Sciences. Cool. Too bad masyado na ko matanda nun para mag-doctor. Tsaka may issu ako sa human contact. Ayokong hawakan ang mga taong ayoko. AT ayoko din hawakan ako ng mga taong ayoko.
Pero gusto ko na hina-hug ako ng mga friends ko. Kahit nagpapanggap akong ayoko. Wala lang. Mapagpanggap talaga ko eh. Tsaka hindi din kasi masyadong uso sa pamilya namin ang human contact. Close na close kasi kami ni Kerri. *gags* Kaya nakaka-relate ako kay Mister Munda at hindi ako sumasali sa mga pume-pressure sa kanya na batiin na yung kuya niya. Kasi, kung hindi talaga, hindi talaga. Wag na pilitin. Si Kerri, lampas one month na siyang nasa Singapore pero parang, wala lang. Di ko nafeel. Wala naman kasi difference. Di naman kasi kami nag-uusap kahit andito sya. Kasi nga, hindi kami close. Nung una ko pumasok sa UP, naligaw ako. Kasi hindi man lang nya ko binigyan ng directions kung paano pumunta sa Melchor Hall kahit na Engineering naman siya. Hindi nga nya matanggap na pumasa din ako ng UP eh. Eh syempre, dapat sya lang ang magaling. Eh ako din naman, di ko matanggap na pumasa ko ng UP, kasi ibig sabihin lang nun, mape-pressure na naman ako maging tagasunod sa kanya. Kaya ayan, hindi naman talaga ko mabuting estudyante. Okay lang sakin kung bagsak ako nung elem at high school. Kaso lang, badtrip. Parati ako pumapasa kahit di ako nag-aaral. Likas. Haha. Eh hindi ko naman magawa na sadyain ko piliin yung maling sagot sa mga exam kasi.. may issue din ako sa mga taong tanga at nagtatanga-tangahan. Kaya syempre, ayoko din maging tanga. Eto na siguro, dahil hindi ako nag-graduate on time, at hindi ako mag-graduate ng arki, ma-realize nila na hindi ako si Kerri. At hindi ako magiging siya ever. Nung nag-arki ako, ang reaction lang ng mga tao, eh di mabuti, si Kerri, Civil Engineering, ikaw Arki, tamang-tama. As if gusto namin makasama ang isa't-isa. Wahaha. Nasakin ang huling halakhak. Wala ng lalayo pa sa Civil Eng'g at Art Studies. Except siguro Food Tech. O sa FLCD. O Sports Science. Ah basta. Malayo.
So ayun, malayo na nga siya. Nasa Singapore siya, andito ko. Pag bumalik siya, maghahanap ako ng scholarship sa Europe. Yahoo. Sana may makuha ko. Gusto ko umalis, pero hindi matagal. Dahil lab ko talaga ang Pilipinas kahit pa madaming masama at bobong tao, gusto ko pa din dito. Kasi nandito ang mga kaibigan ko. Tsaka dahil sa UP ako nag-aral. At... basta. Hindi ko naman kelangan ng dahilan para gustuhin manatili sa sarili kong bansa di ba?
Nalungkot ako kagabi. Kasi... basta. Kaya ayun, natulog ako ng maaga. Hindi tuloy ako nakatulong kina Rupert at Jika sa CWTS Paper at nagu-guilty ako ngayon. Kasi naman. Kaya nga ba mas gusto ko na lang na angsty ako kesa happy or sad. Pag galit ako, nagagawa ko lahat ng dapat ko gawin. Hindi ako nakakatulog tsaka madami akong energy para tapusin ang lahat. Pero pag happy ako, nakahiga lang ako sa kama tapos iisipin ko na happy ako. Tapos pag malungkot naman, nakahiga sa kama tapos biglang matutulog kahit may gagawin pa. Tapos gigising para kumain. Tapos aantukin ulit. Napaka-pointless na buhay. Parang yung post na to. Napaka-pointless.
Ay.. tinatawag na ko. Luch time. Yahoo.
sinulat ni
LeNi
nung
10:49:00 AM
0
nagbasa
tungkol sa all about me., senseless

